Orig

Nabasa ko mga three weeks ago ang isang blog entry ni Butch Dalisay sa Pinoy Penman na kung saan kaniyang nabanggit ang mga katagang “..there is nothing sorrier than for a 3o year-old writer to think like a 60-year-old (man)”. Naalala ko ito habang pinagmumuni-munihan ang istilo ng aking pagsusulat sa blog na ito.

Ang ginagawa ko kasi sa ngayon, binabasa ko ang mga blog ng mga sikat na manunulat, pumulot ng mga bagong kaalaman hinggil sa pagsulat at mga paksa, at kung papalarin ay makaisip ng aking mga komento o kuro-kuro hinggil sa mga ito. Lalo na iyong mga may kinalaman sa panitikan at kasaysayan.  Pagkatapos naman ay magsusulat na ako sa aking Himantayon2 blog.

Noong una ay kontento pa naman ako sa mga akdang inilalagay ko rito lalo na’y nakasagap ako ng mga istilo sa pagsulat at paksa sa mga manunulat na aking nababasa sa “bloghunting.” Pero napaisip talaga ako nang mabasa ang pahayag na iyon ni Dalisay. Pinupunto doon ang kahalagahan na ang bawat manunulat ay magkaroon ng sariling tindig at himig (stance and voice, kung sa English) sa pagsusulat niya.

Hinahanap ko pa ngayon ang sarili kong  tindig at himig.

Kaya sa ngayon iiwasan kong labis na maging pormal o akademiko ang pagsulat (na sa palagay ko’y may kaunting bahid ng pagkapormal o akademiko ang aking pagsusulat). Kaya susubukan ko pa ring magsulat na para bagang tulad ng ibang kahenerasyon ko, subalit hindi namang labis na “magaan’ nag istilo na humahangga na sa labis na pagkakolokyal nito. Kaya sisikapin kong magsulat na naglalaman ng mga malalalim at may kabuluhang diwain subalit sa paraang “ako” ang nagsasabi at hindi lamang alingawngaw sa mga naunang pahayag ng iba pang awtor.

Naalala ko tuloy ang isang pahayag ng Tomasinong pilosopo at propesor na si Florentino Hornedo na “there’s nothing wrong in being a clone, but in literature, clones are boring.”

Ang opinyon ko naman, mga hayop lang ang nai-i-clone. Hindi ang isang manunulat!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s