Diskarte

Ipamamahagi ko lang dito ang ilang salawikain na sa tingin ko ay may kinalaman sa “pagdiskarte” sa buhay. Naisipan ko lang na biglaan na maging tema ito para sa aking blog pero sa tingin ko ay mahalagang mabasa natin  ang mga salawikaing may kinalaman dito upang lalo tayong makaharap sa mga pagsubok sa buhay. Sa kaso ko bilang isang peryodista-in-training, mahalaga ang pagdiskarte lalo na sa paghahanap ng balita, pangagangalap ng detalye, at pagsulat ng artikulo sa loob ng takdang oras.  Hinalaw  ko ang  unang dalawang salawikaing ito sa librong The Proverbs ni Damiana Eugenio habang ang nalalabing lima ay halaw sa Alimbukad blog ni sir Bobby Anonuevo Hunyo 17, 2008 (Ayon sa kaniya ay mula naman ang mga salawikaing ito  sa kalipunan ng makatang si Inigo Ed Regalado .)

1.) Malayo ma’t ibig
Daig ang malapit

2.) Malayo ma’t lalakarin, mararating.

3) Huli man at magaling,
Naihahabol din.
4.)Kapag may isinuksok,
May maidudukot

5.) Walang matibay na baging
Sa mabuting manlambitin

6) Ang maikli ay dugtungan,
Ang mahaba ay bawasan.
7.) Pag maaga ang lusong
maaga rin ang ahon

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s