Panata ng isang employee

Buong taon aniyang sinakop ng kalendaryo at papeles,
kompyuter at kliyente,
ang kaniyang katawan at isipan
Para sa ikabubuti ng kompanya:

Kailangan kong tapusin ang report bukas, hinihingi na sa akin ito ni Boss.
Then I’ll start working with the long-overdue ad project with that telephone company.
My fingers start getting numb with all these typing job to do.
O I hate it when I have to rush things to the room at the other end of the floor
when I still have to talk to Mr. dela Cruz about his rejected proposal!

Bokabularyo na niya ang overtime, double-pay,
Trabaho sa sabado. At walang katuwiran ang sakiting
kalingkinan o bumbunan sa empleyadong gustong maging
maganda ang performance sa trabaho.
Dalawang taon na niyang alam ito.

(Kahit dalawang taon na rin siyang
nakikisiksik sa MRT, o nagta-taxi,
maaga lang makarating sa opisina sa Ortigas)
Alang-alang pa ito sa mabigat-sa-salapi na tseke,
marangyang cellphone,
ngumingiting relo,
at de-kalendaryong “gimikan”.

(Ayaw na niyang mabutas pa uli ang kaniyang bulsa)

At tinatangka niyang kalimutan ang lahat
kahit saglit,
sa pag-inom ng lason at pagkain ng halakhak
tuwing may mag-aaya ng usapan at tunggaan.

Kaya’t naipangako niya sa sarili:

Tuwing Holy Week
ay iaalay ko ang sariling katawan
sa white sand beaches ng Boracay or Galera
at magparaya sa mainit na halik ng araw
at malanding awit ng dagat.

I need to love myself, even just for a while.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s