Pahinga

Nagpahinga rin ang Diyos matapos ang paglalang,
sabi sa Bibliya.

Kaya’t bakit ako’y hindi hayaang
saglit takasan ang mga takda’t batas
ng opisina, buwis, relo’t kurbata
ngayong Holy Week?

Hindi ba’t kawangis ko rin ang Diyos
kaya’t tulad niya ay may karapatan akong
humiga? (maaaring madalas sa kama,
pero pupuwede ring along the beach.)
Oo, hindi ako ang nagkalat ng bituin sa kalawakan,
humubog sa mga kontinente,
at nanghuhusga sa mga kaluluwa.
Pero pagpasan na rin ng krus
ang araw-araw, ulit-ulit, at de-kalendaryo nang
pagtatapos ng mga report,
ang  pagkausap sa telepono ng mga kliyente
ang linggo-linggong paglimot sa kama’t kumot,
para sa mga mahahaba’t maiinit na meeting.

Sabihin niyo nang malamig naman
ang aming opisinang naka-aircon,
o di kaya’y de-klase ang iniinom naming kape,
kinakaing tanghalian
at ang aming paglakad at pagsalita.
Ngunit hindi na namin pansin iyon
habang nagpapaligsahan ang kamay ng relo
at ang aming mga kamay’t paa
sa pagtatatrabaho.

Palagi ring nabubutas ang aming mga bulsa
dahil mataas ang presyo ng kalam ng aming mga sikmura:
Dayuhan sa amin ang karinderya’t turo-turo.
Lalo pang nabubusbos ang bulsa para lang
laging nasa takdang oras ang pagpasok namin.
(Oo nga pala, humihingi rin ng pambaon sa akin ang kapatid ko).

Kaya’t ngayong Holy Week,
hayaan niyo na akong ipaubaya
ang aking pagal na talampakan,
at hapong isipan,
sa maputing mga bisig ng Puerto Galera, Boracay, o Panglao,
habang inaawitan ako ng alon at hinahaplos ng silahis ng araw.

Tulad ng Diyos ay kailangan ko ring magpahinga.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s