Biyernes Santo

(Pahabol sa Semana Santa)

Namatay ang Diyos sa araw na ito, paalala ng mga
matatanda sa amin. Kaya’y kailangang pansamantalang
Talikdan namin ang Kaniyang mga pagpapala upang ipakitang
Ikinalulumbay namin
ang kamatayan Niya.
(Hindi ba’t nagresurrect na Siya, bumalik sa Langit, at nangakong
babalik sa daigdig?):
Papatayin muna ang kompyuter, maglog-out muna nang matagalan
sa Facebook o Friendster, huwag munang pakinggan ang pagwawala
ng Metallica, Nirvana, Eraserheads,
System of a Down, Slapshock, Wolfgang.

Idagdag pang mag-ayuno, huwag maligo, huwag magwalis atbp.
Sa halip, panoorin ang Siyete Palabras sa TV
at dinggin ang pagbubulay-bulay ng mga pari
ukol sa mga Huling Salita ni Kristo habang nakabayubay sa krus.
O di kaya’y makisali kami sa pabasa, kahit inaantok kami
sa pag-awit na panahon pa ni Lolo ang estilo.
Mamayang gabi, lumahok naman daw kami sa
prusisyon ng Santo Entierro,
Paggunita sa Kaniyang paglilibing sa himig ng pagrorosaryo’t
pagtatagulaylay ng matatanda.

Pero, mas naniniwala naman kaming
Nabuhay Siya (hindi rin ba’t itinuturo rin ito sa C.L. at Theology?)
At bakit pang kailangang magluksa
gayong patuloy na binibigyan kami ng mga pagpapala?
Kaya’t ngayong tanghaling-tapat,
Nanggigil ang aming aming daliri at mga diwa
Na muling gamitin ang kompyuter’t radyo
at ituloy ang buhay na pansamantalang
Pinatay.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s