Sa Varsitarian

“Once a V staffer, always a V staffer.” Iyan ang motto  ng mga kasapi ng The Varsitarian, ang student paper ng University of Santo Tomas. Ibig sabihin noon, sa oras na tinanggap kang maging bahagi ng pahayagan, “forever” ka nang maututuring na miyembro noon, kahit na umalis ka bago magtapos ang iyong termino. At lalong nalalagyan ito ng kahulugan kapag may mga dating staffer ang paminsan-minsang bumabalik sa bagong opisina ng pahayagan upang kumustahin ang kasalukuyang staff nito.

***

Ang nakakatuwa sa samahang ito, hindi mo na itinuturing lamang na “bossing” o dating editor, o nakatatandana mataas-sa-iyo ang mga “amihan” (mga dating staffer ng dyaryo), kung hindi mas titingnan mo sila bilang nakatatandang kaibigan o barkada. Syempre, depende rin yan sa tagal ng pinagsamahan ng mga luma at current staff.

***

Naisip ko ito matapos muling makasama ang kasalukuyang staff ng “V” para sa post-contest dinner ng Pautakan quiz bee noong Marso 8. May dalawa pang matandang “amihan” ang bumisita  nang gabing iyon. Habang kumakain kami ng fish fillet, lengua, assorted vegetables o umiinom ng iced tea, ay nagkukumustahan tungkol sa naging takbo ng quizbee, kung sino ang nanalo sa timpalak o hindi kaya naman tungkol sa paghahanap ng trabaho. Sa gabing iyon (at pati na sa mga nauna nang pagtitiipon na nakasama ang mga dating Varsitarian staffer), nalulusaw ang hangganan ng pagiging writer, editor o alumni ng dyaryo, bagkus, nagiging matimyas na ugnayan ng pagkakaibigang binigkis ng pare-parehong karanasan at pinanggalingan.

Mga bandang alas otso ay nakipaglaro pa ako ng DOTA kasama ang ilang staff member ng “V.”  At ang dati kong writer sa Filipino ang parang “lead” person sa paghahanap ng mapaglalaruang computer shop. Baligtad na nga ang mundo, pero ayos lang iyon, dahil naging masaya naman ang mahigit dalawang oras naming pakikipagbunuan ng aming mga “hero” sa isa’t isa.

***

Pakiramdam ko nga ay para akong lolo. Nasaksihan ko ang pagtatapos ng isang siklo ng editorial year ng kasalukuyang staff sa pagdaraos ng kahuli-hulihang extra-editorial activity nila. (Hindi lamang ang paglalabas ng dyaryo ang pinagkakaabalahan ng Varsitarian kung hindi pati na ang pagdaraos ng mga events tulad ng mga patimpalak.).  Nasundan ko na ang mga pabago-bagong headline ng dyaryo, ang mga sumusulpot na usapin sa Unibersidad, kung sino-sino sa staff ang naging “mag-on” o kung sinong love team ang nag”hiwalay umuwi at sabay nagbreak,” etsetera. Ilang taon lamang ang lumipas nang ako, sampu ng aking mga ka-batch, ang nasa gayong kalagayan at abala sa mga gawain sa dyaryo. Saksi rin pala ako sa paglilipat ng Varsitarian ng opisina mula sa dating silid nito sa Main Building ng UST tungo sa kasalukuyang kwarto nito sa Tan Yan Kee Student Center. Dati, masikip lang ang kwarto, apat lang ang gumaganang computer at dalawang kumakarag na printer. Sabihin pang mainit ang loob ng silid dahil isa lang ang aircon unit tapos maliit lang ang kwarto noon, subalit nagsisiksikan ang 20-40 katao. Ngayon, nananahan na ang “V’ sa isang malawak na kawarto na nakahugis “L,” mayroon 15 na mga bagong computer unit, ilang aircon unit, at may sarili nang conference room, sala at stockroom (imbakan ng mga lumang issue.). Tumatanda na ako.

***

Mabuti na lamang ang napagpasyahan kong huwag umalis ng “V.” Dumating ako sa puntong gusto ko nang sumuko, noong ako ay baguhan pa lamang at isang Filipino writer, dahil nanibago ako sa tindi ng mga gawain sa pahayagan. Pag-uusapan pa lamang doon ang pagpapasa ng mga artikulo. Maigi ring pinayuhan ako ng tatay ko na manatili na lang ako sa dyaryo at subukang tiisin muna ang mga pinapagawang tasks. Sa palagay ko naman ay nagbunga ang aking panananalagi doon. Marami na akong natutunan bukod sa pagsusulat ng artikulo. Higit sa lahat, natutunan ko ang maayos na pakikitungo sa mga tao, pagdiskarte sa mga problema, at ang pagmamahal sa trabahong iniatang sa aking ng mga nakatataas na editor. At napamahal ko ang “V.”

***

Maligayang graduation at congratulations pala sa mga staff member na magsisitapos ngayon (babatiin ko na lang kayo ayon sa seksiyong pinanggalingan): (Art) Matthew Hebrona, Carlo Franco, Sam Macaisa; (Sports) Ana Roa; (Filipino) Samuel Medenilla; (News) JC Cordon, Nikki Angulo, Aura Dagcutan; (Witness) Christine Joyce Placino;( Literary) Roman Carlo Loveria; (Sci-Tech) Francis James Gatdula; (Photography) Kerwin Mercadal, Paul Dimerin. Welcome to the job world!

***

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s