Pananampalataya

Kunwari ay bigla kang ikinulong ng iyong ama sa loob ng isang madilim na kuwarto. Paliwanag niya, ginawa niya iyon upang masubukan ang tibay mo sa pagharap sa iyong mga kinakatakutan at kung paano mo gagamitin ang iyong diskarte tuwing nalalagay sa panahon ng matitinding pagsubok.

Kaya’t ang tungkulin mo ngayon ay ang hanapin ang switch ng ilaw sa kwarto. Ang siste pa, kaniyang ipiniring ang iyong mga mata, bukod pa sa nakatali pa ang mga kamay mo. Maaari mo lamang gamitin ang iyong bibig, nguso o paa upang apuhapin ang Dakilang Switch.

Sa una’y ganado ka pa sa iyong pagtatangkang lutasin ang pagsusulit na ito. Sa pakiwari mo ay magagamit mo ang iyong mga natutunan hinggil sa paggamit ng karunungan sa mga suliranin. Pinahid mo na ang iyong labi sa dingding. Pagkaraa’y kinapa mo naman ang sahig, bintana at pati ang likuran ng pinto. Lumipas ang isang oras, naging dalawa, tatlo ngunit hindi mo pa rin matumbok ang ipinapahanap-sa-iyo na switch.

Nang lumaon ay hindi mo na napigilang murahin ang iyong ama (kahit lamang sa isip) kung bakit niya naisipang gawin ang pagsubok na ito sa iyo. Bukod sa paliwanag niya kanina na “pagsusulit ito sa iyong katapangan” ay wala na siyang pinangatuwiran sa kaniyang ginagawa, nawari mo.  Kung maaari lamang ay imungkahi mo sa iyong ama na sana ay itinuro muna sa iyo ang ilang aral sa paghahanap ng mga bagay-bagay sa gitna ng kadiliman.

Subalit, matapos ang ilang minuto ng iyong pagninilay ay napabuntong-hininga ka. Saka pinayuhan ang iyong sarili hinggil sa kawalang-saysay ng pagdaraing at pagkainis sa iyong kalagayan. Maya’t maya ay inangat mo ang iyong ulo sa direksyon ng kisame sa pag-aakalang mahahanap mo na doon ang switch. Muli mong sinuyod ang buong silid.

Ngayon, mayroon bang ganitong uri ng ama sa ating tunay na buhay?

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s