Pagpipila

Maaga tayong tinuruan sa paaralan
Ang kahalagahan ng pagpipila.
Ayon sa ating mga guro,
Isa itong marka ng pagiging edukado
Natin, at hindi tayo nag-aadelantadong
Maunahan ang ibang tao,
Makuha lamang ang ating mga bagay na gusto.

 

Kaya’t sumusunod tayo
Sa mga utos nina Sir at Ma’m:
Fall in line, raise your hand forward
Sideward…Row one, please walk quietly.
Habang nakahanay tayo sa gitna
Ng bulwagan, open court o pasilyo,
Naghihintay na pabalikin na tayo
Sa ating mga klasrum.

 

(At sinusuway ni Mrs. Principal o
Ni Mr. Adviser ang sinumang pasaway
Na hindi pa humahanay sa pila
O di kaya ay sitahin ang mga masyadong
Maingay na bata.)

 

Maaari nating maalala
Ang mga aral na ito
Kapag tayo’y pumapasok o pumupunta
Sa iba’t ibang opisina at counter
Upang mag-enroll sa kolehiyo,
Upang magparehistro sa eleksiyon,
Upang kumuha ng mga dokumento,
Upang mag-apply sa trabaho.

 

At oo, ngayon,
Hindi na tayo magtataas ng kamay
O ididipa ang mga ito.
Nakapila na lamang tayo
Hawak-hawak ang anumang mga papeles

Na kailangang dalhin,

Habang hinihintay na tawagin.

 

Pupuwedeng maka-ilang oras
Ang pag-aabang na ito.

At maraming nangyayari sa paligid natin.

 

Maaari rin nating maisip

Na hindi yata naituro sa atin

Kung paano tiisin ang kirot ng sakong

Kapag dalawang oras na  tayong

Nakahanay sa pagkuha

ng ganito’t ganiyang permiso.

O paano tumanggi nang mahinahon

Kung sakaling may nag-aalok sa iyo

na papabilisin ang pagpila mo.

 

Ngunit, sa huli,

Namulat na tayo:

Ang mahalaga

Ay makukuha natin

Ang mga bagay na dapat kunin.

 

 

 

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s