Ilang mga tula sa pagsapit ng Bagong Taon

I. Salog

 

Nakakalat sa lupa

Ang alaalang basa.

Inulila’t iniwan

Ng maghapong pag-ulan

 

 

II. Inspirasyon

 

Gumuguhit ang Ideya ng sanga-sangang dagitab sa aking malay. Pagbulusok ng mga ito sa tigang na parang ng aking isipan, lumiyab na  ang hulagway ng akda sa aking haraya.

 

  

III. Tradisyon

 

Ayon sa isang matalinghagang pahayag, kailangan ng sinumang manunulat na sumalok muna ng karunungan mula sa nunong-balon upang malasap nang tuluyan ang tradisyon, na bagama’t lipas na ay mainam pa ring inumin sa kasalukuyang panahon ng pag-aalinlangan sa katotohanan.

 

Pero, paano kung ang balong ito ay natuyo na, o hindi kaya’y nahaluan na ng burak, o masyado nang malalim upang pagsalukan pa ng Tubig ng Karunungan?

 

Kung gayon, maghuhukay na lamang ako ng bagong balon. 

 

 

 

* Nalathala ang mga tulang ito noong ako’y nag-aaral pa sa UST. Lumabas ang “Salog”sa 2006 edition ng Dapitan, ang literary folio ng Faculty of Arts and Letters na kung saan ako naging estudyante. Nailathala rin naman sa Dapitan noong 2008 ang mga tulang “Inspirasyon” at “Tradisyon;” nirebisang bersyon na ang huli.  

 

 

 

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s