Bago

Kailangang laging bago tuwing magba-Bagong Taon.

Ito ang nakamulatan nating paniniwala kapag ipinapaalalahan tayo ng telebisyon radyo, internet at dyaryo sa napipintong pagpapalit ng kalendaryo.

Kaya’t gumagaan ang ating mga bulsa sa tuwing bibili tayo ng  maisusuot na damit at sapatos na aayon sa takda ng feng shui .

At kaya rin,sa buong araw ng atrenta uno ng Disyembre ay kumakayod ang ating mga braso, sumisipag ang ating mga talampakan at kumukulo ang ating mga isipan upang a.)  malinis ang lahat ng sulok ng bahay mulang bakuran hanggang sa mga silid-tulugan, b.) mailatag nang maayos ang mga silya’t mesa para sa kainan maya-maya lamang, c.) makapagluto ng mga putaheng kakainin para sa medya noche at d.) mamili ng 12 bilog na prutas upang makapasok umano ang swerte sa ating mga payak na tahanan at kapalaran.

(Ito ay sa saliw ng salimbayang pagdagundong ng sinturon ni hudas  five star pla-pla’t kuwitis at sa pasiklaban sa paingay ng mga torotot.)

At ulit-ulit nating ipapangaral at ididiin ang saysay ng ritwal na ito sa ating mga anak na nagtataka kung bakit kailangang gawin ang mga ito gayong minana pa natin sa ating mga lolo’t lola ang nakagisnan nang paghahanda para sa pagpapalit ng taon. At kung bakit palagi nating winawakasan ang mga taon na ginugunita ang mga sandali ng pagluha’t at pagsisisi. 

Hindi na bago ang pagtatakang ito.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s