Bagong Taon

Naniniwala siyang kailangang maghanda

Upang may pumasok na pagpapala

Sa pagpapalit ng taon.

 

Kaya’t ilang araw bago ang nakatakdang

Pagbabago ng petsa, nag-aabala na siya

Sa mga nakasanayang nang ritwal ng

Pangangalap ng 12 bilog na prutas,

Ng pagbabagong anyo ng salas at silid kainan

Ng paghahanda ng mga putahe para sa media noche.

 

At gumaan ang kaniyang bulsa,

Hindi magkamayaw ang kaniyang mga kamay

Sa uunahing trabaho

At madalas napag-uutusan ang mga anak

Na dayuhan sa tradisyon ng Bagong Taon.

 

Gayumpaman, nananalig pa rin siya

Sa ginagawang paghahanda

Kahit na siya na lamang

Ang naniniwala.   

 

 

 

 

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s