Hiyaw

Malayang isiping naririnig niya sa ilalim ng entablado ang hiyawan ng mga manonood. Ilang segundo na lamang at magsisimula na ang konsiyerto ng bandang inakalang hindi na mabubuo muli kahit sa isang gabi lamang.

Maaaring kaniyang kinakapa ang mga kwerdas ng gitara. Baka nama’y kinakabisa naman niya sa huling pagkakataon ang mga awiting nagmula sa isang nagdaang panahon.

(Malayo kasi siya sa mga mata ng mga masugid na manonood.)

At inihudyat na ng zero sa elektronikong orasan ang sandali ng pagtatanghal. Itinaas na ang entablado na kinatatayuan ng apat upang matanaw sila na ng lahat.

Inihahampas na ang drums. Umaalingawngaw ang baho. Humihiyaw pa rin ang mga tao.

Samantala, inaayos lamang niya ang pagkakakatayo sa entablado. Sandali siyang ngumiti. Saka umawit.

“May isang umaga/na tayo’y nagsasama…”

Kaniya nang naririnig ang hiyawan ng madla.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s