Pag-ibig ng Patalim

Walang pinipiniling iibigin ang patalim.

Hindi ito nangingimi
Sa pakikisamahang balat at laman
Ng biktima,
Ayon sa halimuyak ng pabangong ginamit niya,
Ayon sa bigat ng kaniyang apelyido,
Ayon sa uri ng kinabibilangan nitong relihiyon,
Ayon sa ingay ng kalansing ng kaniyang bulsa.

Sa halip,
Hahalikan ng matalas na labi ng patalim
Ang biktima,
Sa kaniyang baywang,
Sa kaniyang likuran,
Sa kaniyang leeg,
Kapag nasa tamang lunan at panahon.
Halimbawa’y sa gitna ng isang madilim na eskinita,
O sa isang masukal na talahiban sa des-oras ng gabi,
O sa loob ng isang madilim na jeep na pumapasada
Tuwing madaling-araw.

Ito ay kahit pa
Tumatayo na ang balahibo ng kasintahang
Tigib sa takot,
O hindi kaya naman
Ay pumupulandit na
Ang dugo
Mula sa nagmamakaawang balat,
Matapos ang sansaglit
At malamig na
Romansa.

Mas mahalaga sa patalim na
Nahalikan nito ang biktima.

Saklot-saklot ito
Ng isang madilim
Na kamay.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s