Hangad

Madalas kong suyuin
Ang pilak.
Araw-araw, nag-aalay ako sa kanyang
Makinis at makinang na puso,
Ng isang basong pulut na kumatas
Mula sa aking mga butong ora-orada kong
Pinagbabanat para magtrabaho.
O ‘di kaya‘y
Hinahandugan ko siya
Ng sambugkos na rosas
Na sumisibol
Mula sa sangkawang mantikang kumukulo
Sa aking utak.
At inaawitan ko rin
Siya
Ng dalisay na harana
Sa himig ng lindol na nakatago sa aking dibdib.

Ngunit ay madalas din,
Mas nakatulilinig ang kanyang kalansing
Kaysa aking pagsamo.
O ‘di kaya ay
Mas pinipili niyang makapiling
ang mga mabangong bulsa
Na kanyang mga sintang
Bukod na pinagpala.


Kaya hanggang ngayo’y
Madalas akong umuuwing
Luhaan ang pitaka.

Bukas ay muli ko siyang
Susuyuin.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s