Dayo

(Sa gunita ng kalye Ma. Cristina sa Sampaloc at para kay C.M.)

Tulad mo,

Dayuhan ako

Sa lugar na ito.

 

Marahil ay nakapaninibago sa iyo
Ang alinsangan ng gabing-Maynila.
Bagama’t waring sinanay na ang iyong balat,
Tuwing tag-araw,
Doon sa inyong lambak sa hilaga,
Kung paano tiisin ang nakapapasong
Pananaig ng silahis.
O hindi kaya naman
Ay natutulilig ka yata sa salimbayang
Busina repeke at alarmang
Nanggaling sa magkabilang dulo ng kalsada,
Mula Espanya
Hanggang P. Florentino.
Siguro rin ay naninibago ang iyong mga mata
Sa mga talampakang nakatambay lamang sa bangketa,
O hindi kaya ay sa mga naiinip na kamay
Na nagbabantay ng mga paninda,
O mga estudyanteng umuupa ng bahay na matutuluyan
Alang-alang sa apat na taong
paghahanap ng kaalaman

Umaangal naman,
Sa alinsangang-Sampaloc,
ang aking balat na matagal nang binalot
sa hanging Fairview,
Kapag ako ay natutulog sa bahay nila Lolo
Ilang hakbang lang mula sa inyo.
O pakiramdam ko’y para naman akong sinisigawan
Kapag naririnig ang mga busina at repeke
Ng na-trapik na mga sasakyang
Nakapila sa P. Florentino
Noong paminsang-minsang pumupunta ako
sa amin para mananghalian.
At waring naglalakbay sa ibang bayan
Ang aking mga mata,
Kapag napapansin ang parami nang parami
Na mga bagong talampakang dumaraan sa kalsada
Natin.


Kailangan  ko nang muling dumayo diyan.

 

2 thoughts on “Dayo

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s