Ang wakas

Inaasahan nating dumating
Ang wakas,
Kapag umuulan na ng asupre’t nagbabagang bato,
Kapag walang-humpay na ang pangingisay ng lupa,
Kapag sunod-sunod ang pagdalaw
Ng mga Dakilang Panginoon ng hangin,
Kapag inilunsad na ang mga bombang naghahasik ng kamatayan
Mula sa atomo.
Kaya’t mulat na mulat ang ating mga malay
Hinggil sa pagtalakay
Kung paano mapaghahandaan ang mga ito.
Habang
Unti-unti namang lumililok
Ng lapida
Ang wakas
Sa ating mga selula’t diwa
Matapos ang ilang gabi nating paglunod ng pantog
Sa naghihingalo nang katas ng ubas,
Matapos humithit tayo ng panandaliang pagtakas,
Matapos hindi natin mabatid ang nakaambang
Pako sa dinadaanan
Habang tayo ay nakayapak,
At masayang sinisimulan
Ang isa na namang panibagong araw.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s