Ang siste sa siste

Payo nga ng isang dakilang makata
Para sa aming mga nagtatangkang
Maghabi ng berso’t talinghaga,
Nakabubuti kung ilahok sa aming
Mga tula
Ang siste.
Aniya, ito ay upang
Hindi malunod
Ang tula
Sa nagngangalit at namumulang pangangatuwiran,
Patigasin
Ang taludtod
Sa nagyiyelo nang ideyolohiya
O sasandirit
Ang berso
kasama ang tamod,
Sa masayang pagsasalsal
Ng makata hinggil sa kanyang
Mga karanasan.
(Bukod pa sa kahit papaano’y
Maunawaan ng mambabasa
Ang kaniyang nais
Ipahiwatig.)
Ito ay kahit nahuhugot ang tula mula sa buhay.
Kung gayon,
Habang binabasa namin ang mga balita
Ng pandarambong sa kaban ng bayan
Ng pagbabakbakan ng mga panananalig at pananampalataya
Ng patuloy na pagsadsad ng kapalaran ng pilak at ginto
Ng pag-aaway ng mga umaarteng bituin at nakabarong na mga bathala
Kailangan naming ngumiti
Lalo na habang isinusulat na namin
Ang tula,
At parang nangangamoy na itong natutong na sinaing
Kahit balak naming lutuin ito na parang kalamay.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s