PAGSANJAN BLUES

Sa tabi ng ilog, pinagninilay na ang mundo’y bilog: Dati-rati ay sa rurok ng saya. Ngayon ay nasasadlak sa lusak ng pagdurusa.

Sa tabi ng ilog, pinakikinggan ang himig ng mga panahong di na mababalik, isangla man ang kaluluwa o ngalangala.Estranghero kang nauwi sa sariling bayan.Tinatanaw ang tahimik na rabaw.

Sa tabi ng ilog, napagninilay ang paglipas ng mga taon. Ang dumadaloy na tubig rito, ay di na ang tubig na dumadaloy sa kasagsagan ng mga sangley, o sa kalansing ng mga pilak ng mga negosyante.

Sa tabi ng ilog: Nais kong ipaanod ang mga himutok.

Nais kong maligo’t umahong bagong-tao. Hihilurin ang libag ng nakaraan.

Manlalakbay akong sadyang umiba ng destinasyon.

Some memories of a weak tremor

With yesterday’s tremors, I remembered my experience with one last year. It was far weaker, but still enough to literally shake us in the area. It was a Saturday afternoon, and I was in the FEU Library third floor, Filipiniana section, doing my post classes reading. I had been sitting in that section’s faculty area, which overlooks the rest of the campus. Was drowsy at one point but then I felt something’s moving. For some seconds, seems like 2-4 seconds. Then I stood up and checked the rest of the library; a guard came in and said, yes the earth shook. Some minutes later, classes were suspended later in the campus.

I remember talking with kuya guard, who checked in this section of the library, about the possible scenarios if a far stronger quake hits Morayta. Where will be the evacuation areas, considering the campus surrounded on all sides by buildings, posts, buildings, roads, How will people move out considering that LRT and other transport services may be disrupted. etc etc.

And now some of our concerns have appeared already.

After the Visit, a Brief Deluge

1.) “An Afternoon at the Museum” There were three of you who paid a visit to the Museum. Your feet were pulled by the news that, for one month, visitors can go inside, for free, to that repository of memory and the Muses. The neoclassical edifice itself is already a remnant of the past; in its former life, it once housed the country’s Congress. Now, after registering and leaving some bags behind, you and your friends started a tour of displayed facts and artifacts. An afternoon in the museum, so to speak. Six feet passed through the hallways where once walked the honored, the notorious, and even the obscure lawmakers of decades bygone.  Meanwhile, six eyes took a peek at the painting and sculptures located inside galleries. The galleries occupy rooms that may have once been the abode of solons from the country’s two main parties, probably charting the latest tactic in a stratagem of political warfare. “Ahs,” and “Ohs” may have crossed the minds of all three of you as you gawk at the Juan Lunas, Fernando Amorsolos, the Tampincos, the Lorenzos, the Magsaysay-Hos, and even the Resurrecion Hidalgos on display. And so much more.  And of course, all three of you realized why the nomenclatures “Upper House/ Mataas na Kapulungan” and “Lower House / Mababang Kapulungan,” came into popular usage. A writer had once explained that the terms came into being because of the locations of the said chambers. And he was right. The Upper House, or Senate, was simply located at the second floor of the building. Conversely, the Lower House / “House of Representatives,” was located at the ground floor of the building, hence “Lower House. For the price of none, all three of you came out filled 2.) THE TORMENT, THE TORRENT. It seemed the skies had had enough of the daylong more-than-bearable oppressive heat. And so, as evening set in deeper into the hour and blanketed the troposphere above Maynila, while all three of you are spending some hours of cheerful chatting and eating inside a mall, the rain clouds let it go. Around eight in the evening, rain drops patter and clamor on the asphalt roads outside the mall, intensifying until the hours-long stored emotions were released into a flash. The sounds of rain drops a-falling were to be heard inside the mall, the clamor knocking on the mall’s roof. The roads, named after a former mayor* and a saint,** were quickly filled with water. Apres le (mini) deluge, the watery aftermath. People line up outside the mall, waiting waiting for the water to subside. But tricycle drivers, smelling instant pesos in this time of stress of the unfortunate, offer a trip across the roads-turned-rivers. For P50 a head.  (It is tempting to think that the money earned may have been spent for some gin and “hardcore” liquor to gulp down their parched throats; our outrage at their greed at the moment prevented me from asking them what they would have done with the so-and-so amount of pesos earned this evening.)    Turned off by this primitive exhibition of capitalistic instinct by the pedicab drivers, all three of you just took the chance and wade across the road-slash-river. With bare feet, and pants rolled up, socks and shoes removed and carried by vacant hands, all three were seeming replicas of MacArthur in slogging through the flood. The water was black, as pitch black as the night sky over us. Don’t ask me where the gadawaful water came from (probably some overflowing drainage pipe or more likely from the houses and establishments near the mall and filled with all imaginable kinds of refuse the city has to offer). Oblivious of the putrid smell of the water, all three of you somehow made it through Taft Avenue, somewhere between Ayala Boulevard and Finance Road. Not sure of whether the LRT is still making the last trips home, all three of you agreed to take one bus just to get the hell out of the watery mess that you were into. Out, out somewhere drier, and where the vehicles were moving way way faster than in this avenue of piled up cars jeeps trucks and buses. *Mayor Antonio “Yeba” Villegas, considered as a colorful mayor of Manila in the late 1960s. ** San Marcelino

Rigor Mortis

“We all are choking the metropolis to death, and may even live to see it die.”- Jose Ma. Montelibano.

Hindi na kailangang antayin
Ang pagbulusok mula sa kalawakan
Ng umaapoy, nauupos na bato,
Upang durugin ang mga kalsadang likaw-likaw
O mga gusaling dikit-dikit nitong Kalungsuran.

Hindi na rin kailangang
Ihulog ng mga eroplano
Ang mga regalong nakamamatay
Kagaya noong huling Digmaan,
Mga pitumpong kalendaryo na ang nagdaan.
(Upang mag-alay ng huling handog
sa malaon nang pagyao ng metropolis)

Hindi na rin siguro kailangang abangang
Ang pag-unat ng ilalim ng lupa,
Ang pagdaloy ng baha,
O paghagupit ng mga bagyo,
Sa itinuturing na sentro nitong kapuluan ng dalita’t luha.

Unti-unti nang pinapatay nito ang sarili.
Ginagapangan ng milyon-milyong metalikong uod.
Sinasakal ng nakalalason nitong hininga,
Inaagusan ng maitim, malapot na dugo.

Antayin ang petsa ng paglilibing
Sa limot,
Sa Metropolis.

MAHAHALAGANG ARAW SA KASAYSAYAN (MAYO 1-14)

MAHAHALAGANG ARAW SA KASAYSAYAN (MAYO 1-14)

Mayo 14, 2013 Namatay si Daisy Hontiveros-Avellana, ang Pambansang Alagad ng Sining para sa Teatro.

Mayo 12, 1962 Sa bisa ng isang proklamasyon, inilipat ni Pang. Diosdado Macapagal ang pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan sa Hunyo 12 mulang Hulyo 4.

Mayo 11, 1818 Isinilang sa Biñan, Laguna si Francisco Mercado, ang ama ni Jose Rizal.

Mayo 10, 1897 Pinatay sa kabundukan ng Maragondon (Cavite) ang magkapatid na Andres at Procopio Bonifacio. Ito ay matapos ang “paglilitis” sa kanila dahil sa salang sedisyon. Ilang pelikula na ang nagsadula sa naturang trahikong pangyayari.

Mayo 9, 1875 Ipinanganak sa Kalookan si Gregoria de Jesus, asawa ni Andres Bonifacio. Bilang “Lakambini” ng Katipunan, nakatulong nang malaki si “Oryang” sa mga gawain ng samahan.

Mayo 8, 1878 Isinilang ang Cebuanong politiko na si Dionisio Jakosalem. Naging gubernador siya ng Cebu at nahirang na kalihim para sa komersyo at komunikasyon sa ilalim ng termino ni Gob.Gen F.B.Harrison noong 1917. Sa taong iyon nahirang ang unang Gabinete ng mga Amerikanong gobernador general na puro Filipino ang mga kalihim.

Mayo 7, 1892 Isinilang sa Morong, Rizal si Tomas Claudio. Kabilang siya sa ekspedisyong Amerikano na pinadala sa Europa noong World War 1. Doon siya napatay matapos ang isang labanan.

Mayo 6, 1942 Pormal na isinuko sa mga Hapon ni Heneral Jonathan Wrainwright ang Corregidor at mga sundalong Amerikano.

Mayo 5, 1897
Sinimulan sa Maragondon ang paglilitis sa magkapatid na Bonifacio (Andres at Procopio) sa salang sedisyon.

Mayo 5, 1860 Isinilang sa Batac, Ilocos Norte si Gregorio Aglipay, ang unang Obispo Maximo ng Iglesia F ilipina Independiente. Kanya ring ipinaglaban ang kapakanan ng mga paring Filipino noong panahon ng Himagsikan. Tumakbo rin si Aglipay sa pagkapangulo noong halalan ng 1935, ang taon kung kailan din nagsimula ang pamahalaang Commonwealth.

MAYO 4
1917 Isinilang sa Paco (Maynila) si Nicomedes (Nick) Joaquin, na kilala sa kaniyang mga “reportage,” panayam sa mga personalidad, mga dula at katha. Nakapag-aral sa isang paaralang Dominikano sa Hong Kong, mababakas sa kaniyang mga akda ang pagdidiin sa pananampalatayang Katoliko at impluwensyang Hispaniko. Sa kabilang banda, natuligsa ni Nick sa ilang akda ang ilang hindi magandang aspeto ng “sajonismo” o (impluwensang Anglo-Amerikano) na dala ng pananakop ng Estados Unidos sa atin.

1900- Labanan sa Agusan Hill sa pagitan ng hukbo ni Kapt.Vicente Roa at mga Amerikano. Nagsagupa ang dalawang pwersa sa naturang pook sa kanluran ng Cagayan de Misamis (Cagayan de Oro ).

1899 Nagsumite ng liham ng pagbibitiw sa Gabinete ni Pang. Emilio Aguinaldo sina Apolinario Mabini (Presidente del Consejo de Gobierno / punong ministro), Teodoro Sandiko (Kalihim ng Interyor) at Gracio Gonzaga (“Minister of Welfare”), Ito ang wakas ng umiigting na tensyon sa loob ng Gabinete sanhi ng usapin kung tatanggapin ba ang alok na awtonomiya mula sa Estados Unidos. Nanaig ang mga miyembrong pabor na kunin ang naturang alok.

MAYO 3
1935 Nagwakas ang pag-aaklas-Sakdal. Sinasabing nakuha ang pangalan ng grupo mula sa isang sipi sa Bibliya o sa pamagat ng isang liham (J’accuse) na ipinadala ni Emile Zola sa pamahalaang Pranses ukol sa Alfred Dreyfus case sa Pransya.

1942 Pansamantalang nakubkob ng mga gerilya sa ilalim ni Wenceslao Vinzons ang bayan ng Daet sa Camarines Norte. Si Vinzons ang pinakabatang miyembro ng Kumbensiyong Konstitutional, isa sa mga tagapagtatag ng partido ng mga kabataan na Young Philippines, at naging gobernador ng Camarines Norte. Pinangalanan sa kaniya ang isang bayan sa kaniyang lalawigan at ang isang bulwagan sa UP Diliman,

MAYO 2
(1942) Pinatay ng mga Hapones si Jose Abad Santos sa Malabang, Lanao (ngayon ay sa Lanao Del Sur). Siya ay naging Kalihim ng Hustisya at Punong Mahistrado bukod sa naging pinuno ng mga Mason. Ang kapatid niyang si Pedro ay tagapagtatag ng Partido Sosyalista at tinulungan ang mga magsasaka sa Gitnang Luzon upang labanan ang pang-aapi at panunupil ng mga landlord noong huling bahagi ng 1930s.

1935 Nagsimula ang dalawang-araw na pag-aaklas ng Kilusang Sakdal sa mga lalawigan ng Cavite, Laguna at Bulacan. Nilusob ng higit-kumulang 60,000 paisano (peasants) ang ilang bayan sa naturang mga lalawigan at nakipagsagupaan sa mga elemento ng Philippine Constabulary sa ibang pagkakataon. Pinamunuan ng samahan ni Benigno Ramos, isang makatang Tagalog at dating clerk sa ilalim ni Sen. Pres. Manuel Quezon.

MAYO 1
Tunay na mahalaga at makabuluhan sa kasaysayan ng Filipinas ang mga labanan at demonstrasyong nangyari sa araw na ito sa magkakaibang mga lunan at taon.
(1898) Matapos ang buong umagang sagupaan sa Look ng Maynila , na nagwakas sa pagwasak ng plotang (fleet) Espanyol malapit sa mga baybayin ng Canacao, Tangway (Cavite City ngayon), Las Pinas, Paranaque, at Maynila, nanaig ang puwersang Amerikano sa pamumuno ni Almirante (Admiral) George Dewey. Mismatch ang labanan kung pagbabatayan ang laki at ang tibay ng mga bapor pandigma ng Asiatic Fleet kumpara sa mga de-kahoy pang mga bapor-de-guerra ng plota ni Almirante Patricio Montojo.
Sa unang mga dekada ng nagdaang siglo, simboliko ang araw na ito bilang petsa ng pag-oorganisa ng mga manggagawa upang ipaglaban ang kanilang mga karapatan. (1903) Nagdaos ng rally ang Union Obrera Democratico de Filipinas upang itaguyod ang walong-oras-kada-araw na paggawa (eight-hour-working-day). ang pagkilala sa araw bilang pista opisyal o public holiday. Sampung taon ang lilipas (1913) bago maitatag sa araw ding ito Congreso Obrero de Filipinas, na isang “alyansa” ng mga manggagawa mula sa iba’t ibang mga sektor noon ng paggawa (hal. litograpiya, tabakero (gumagawa ng tabako), marino atbp). 1913 din ng unang ipagdiwang sa pagkakataong opisyal ang Araw ng Paggawa.
Sa mas malapit na panahon, maalala ang masalimuot na “EDSA Tres” (2001) na ang kinahantungan ay ang buong-araw na sagupaan sa Mendiola at harapan ng mga gate sa Malacanang. Umulan ng bato at ilang pang mga bagay mula sa hanay ng mga ralyista habang pinagtatabuyan sila ng mga pulis at sundalo sa pamamagitan ng pagputok ng mga baril na may rubber bullets at paghampas ng batuta kapag malapitan ang sagupaan. Ayon sa mga ulat, daan-daang libong demonstrador ang umalis sa malaking rally na ilang araw nang idinaraos sa EDSA Shrine upang lumusob sa Palasyo. Ilang tao ang napatay, marami ang nasaktan, may isang pulis ang binugbog ng mob, at nagwasak ng ilang sasakyan ng media ang mga demonstrador na taga-suporta ng kapapaalis pa lamang na pangulo.

Tubig

Nawa’y tumigil, kung hindi man, tumila ang malalakas at pabugso-bugsong pag-ulan upang ang ating mga kababayan ay malayo na sa kapahamakan. At sana ay mas mapaghandaan natin ang mga susunod pang bugso ng habagat o bagyo. Agosto pa lamang at nasa kalagitnaan pa ng tag-ulan; nasa letrang “M” pa ang pagpapangalan ng mga bagyo. Dalas-dalasin ang pagsangguni sa website ng PAGASA. Muling pag-aralan ang mga pag-iral ng sama ng panahon, klase ng ulan, uri ng unos o ihip / direksyong pinanggalingan ng hangin lalo na at pabago-bago na ang klima. Tila nabibigla tayo kung nababalitaang may paparating na bagyo o may biglaang pag-ulan. At higit sa lahat, muli nating pahalagahan ang ating mga anyong-tubig. Madalas nating binabalewala ang mga sapa, estero, ilog, o lawa kaya tayo binabaha. Simulan siguro sa maliit na paraan, paris ng huwag pagtatapon ng kung anong mga basura o nakasusulasok na likido sa mga tubigang iyon. Huwag tumira sa tabi ng mga iyon upang gawing palikuran lamang. Huwag basta-bastang tambakan ang mga ito ng lupa upang tirikan ng subdibisyon o patagan ng kalsada. Malupit ding gumanti din ang Inang Kalikasan. Kung gagawing sistematiko ang mga iyon, baka mas maiiwasan ang mga ganitong uri ng malawakang suliranin ng pagbaha, paghinto ng klase at trabaho, at paglikas “for the nth time.”

Isang parikala kasi na tayong mga Filipino, na ang mga grupong pinanggalingan natin na pinangalan sa mga anyong tubig, ay nahihirapang makibagay sa panahon ng habagat o bagyo na nagdadala kung tutuusin ng ubos-ubos biyayang pagpapala ng ulan. Kung alalahanin ay may kinalaman sa mga ilog, lawa o dagat ang pangalan ng mga Tagalog (karaniwang sinasabing mula sa pinaikling “Taga-ilog); Ibanag (“taga-ilog” din sa salita nila); Kapampangan (taga-pampang); Subanon (mga “taga-ilog” ng Tangway ng Zamboanga); Maranao ( mga nakatira sa paligid ng Lawa ng Lanao); Maguindanao (“mga nakatira sa kapatagang madalas daluyan ng malaking baha,” ayon sa isang bersyon ng pinagmulan ng kanilang pangalan) Hiligaynon ( mula sa “ilig” pagnavigate sa agos ng ilog ayon sa isang kilalang manunulat ng naturang wika), at Sugbuhanon (mula sa “sugbo” o paglakad sa tubig-dagat). Tila nakalimutan na natin ang pinagmulang ito, malamang ay nabura ng edukasyong Kanluraning naranasan ng karamihan sa atin at buhat nang tayo ay sakupin ng mga Espanyol at kalaunan ay Amerikano. Nakalimutan marahil ng marami sa ating mas nakatuon sa pang-ara-araw na paghahanapbuhay o pagkamit sa layaw.

Ngayon ay sana magunita natin ito. Upang hindi na muling maulit ang eksena ng pagliban sa trabaho, pagsalunga sa baha o paglikas mula sa mga tahanan. At dapat magunita natin ito lalo na at makaraan ang ilang buwan ay sasapit na naman ang tag-init. Tiyak na hahanap-hanapin ang pagbuhos ng ulan na ngayon ay hindi na basta-basta mahuhulaan kung kailan babagsak.

Muling Pagtingala sa (Ating) Langit

Init na pangtag-araw sa Hunyo. Pag-ulan sa kalagitnaan ng Abril. Padalas nang pagkakaroon ng mga eklipse sa iba’t ibang dako ng daigdig.  Kung nasa lungsod ka naman kapag gabi, wala kang maaaninag na mga tala sa kalangitan dahil sa sinag ng mga ilaw ng mga gusali. Sa mga pangyayaring ito, masasabing dapat balikan ang mga katutubong kaalaman natin ukol sa mga penomenong natural sa kalangitan. Ito ay sa gitna ng tila pagpusyaw at paglaho na ng mga nakagisnan nating paghahati sa mga panahon dulot ng pagbabago sa klima.

***

Magandang panimula rito ang pagbasa sa librong Balatik na isinulat ng namayapa nang propesor ng kasaysayan sa Unibersidad ng Pilipinas na si Dante Ambrosio. Sinisipat sa naturang libro-na nag-ugat sa disertasyong doktorado ni Ambrosio- kung paano tinanaw ng mga sinaunang Pilipino, at pati nang mga kasalukuyang indigenous peoples ang mga penomenon sa kalangitan.  Mapapansin ang mga katutubong konsepto batay sa mga tala ng mga paring Espanyol, mga panitikang-oral, at pati na sa mga sagisag ng mga kilusang milenyaro at ng Katipunan mismo.

***

Ang pamagat mismo pa lamang ay naghahain na ng tema sa buong libro.  Ang “balatik” ang turing sa isang uri ng “trap” na ginagamit na panghuli ng mga sinaunang Pilipino ng mga ilahas (wild) na hayop. Subalit, batay sa mga nakalap na datos ni Ambrosio, ginamit na rin ang “balatik” bilang pantawag sa konstelasyong Orion. Ginagamit ang pangalang ito ng mga Tagalog, Kapampangan, Magahat ng Panay, Bilaan, Bagobo, mga Kiniray-a ng Antique, Bikolano, Maguindanao at iba pang mga grupo sa Mindanaw.

***

Sa pagtugaygay ng mga katutubong konsepto ng panahon, mga “seasons,” at mga katawagan sa mga bagay sa langit, binanggit din ni Ambrosio ang pinag-ugatang ng mga Pilipino na Austronesyanong kalinangan. Sinasabi ng mga dalubwika na nagmula ang mga wika sa Pilipinas sa pamilyang Austronesyano, na kinabibilangan din ng mga wikang Bahasa, Javanese at Fijian. Kinumpara din ni Ambrosio ang iba’t ibang pantawag ng mga Pilipino sa “araw.” “ulan” “gabi,” “lindol” at iba pang penomenon sa kaitaasan. Gayumpaman, ani Ambrosio, nagbago ang naturang mga pagtingin sa pagpasok ng mga impluwensya mula sa mga kalingangang Arabe- Islamiko, Hindu-Buddhista, at ng Kristiyanismo-Espanyol.

***

Kung susundin si Ambrosio, masasabi rin natin na pinagbabatayan ng mga Pilipino ang kanilang pantawag sa mga bagay o penomenon sa langit batay sa mga bagay sa kanilang kaligiran, pati na rin ang ilang konsepto o tauhan mula sa kanilang mga epiko. Isang halimbawa  rito ang Magbangal. Ito ang tawag ng pamayanang Bukidnon-sa Mindanao- sa mga bituin ng Orion. Halaw ang pangalang ito sa isang tauhan ng kanilang  kuwento na nagtaglay ng isang makapangyarihang palakol. Dating taga-lupa si Magbangal subalit umakyat sa langit matapos malamang nakita ng kaniyang asawa ang palakol na ito na kaya umanong magtabas ng mga damuhan. May ilan pang halimbawa si Ambrosio sa naturang pagpapangalan ng mga sinaunang Pilipino at mga kapatid nating IP sa mga penomenong natural at astronomikal.

***

Interesante rin ang pagtalakay ni Ambrosio sa mga katutubong konsepto ng oras. Noong hindi pa dinala ang mga orasan at kalendaryo sa Pilipinas, ang mga katutubo ay sinusukat ang haba ng isang “araw” (day) o “gabi” (night) batay sa taas ng araw (“sun”) o buwan (“moon”). Sinusukat ito sa pamamagitan ng pagsangguni sa puno ng niyog, sa tikin, o sa pagkilos ng mga alagang-hayop.  Mayroong mga ganitong paraan ang, halimbawa, mga sinaunang Tagalog, sinaunang Bisaya, at hanggang ngayon ang mga pangkat sa Kordilyera.

***

Iba na ang panahon ngayon, kaya’t mainam na ring sipatin ang ating kalangitan mula sa ating pananaw.