Ang Pulubi at si Kristo

matapos ang pintang “Pagkasubsob” ni Joey Velasco

At muli Siyang napatda sa pagpasan
ng kurus sa gitna ng daan. Dumadaloy
na naman sa kanyang likuran ang dugo
habang nakatiim naman
sa kanyang noo ang mahapding pagpapakilala
na Siya umano ang hari ng mga Hudyo.

Sa Kanyang pagkakayuko ay muling
hinanap niya ang mga disipulong
Kaniyang inaasahang sasamahan
Siya sa oras ng matinding
Pangangailangan. Ngunit ni isa’y wala.
Kahit anak ng Ama’y iniiwan rin
ng Kaniyang mga disipulo
kapag oras na ng kagipitan.
Marahil ay naibulong niya sa kanyang sarili.
Pakiwari naman niya ay sumilay sa kanyang malay
Ang hulagway ng muling pagkabuhay,
Nang madama niya ang pagpahid ng isang batang
Pulubi sa kanyang nagdurugong noo.

Marahil muli Niyang naalala ang isang
matagal nang naiturong aral sa madla:
“Tularan niyo ang mga bata
upang kayo’y makapasok sa
Kaharian ng aking Ama.”

~ ni himantayon2 sa Setyembre 20, 2009.

Isang Tugon to “Ang Pulubi at si Kristo”

  1. “Tularan niyo ang mga bata upang kayo’y makapasok sa Kaharian ng aking Ama.”

    ang kawalang-muwang ng bata ang isa sa mga katangian nilang kaiga-igaya

Mag-iwan ng Tugon