Pahabol na tula sa “tayutay at talinghaga”

Noong hapon din ng lektyur na iyon (Hunyo 28), pinagawa kami ni sir Fidel ng isang tula upang masanay kami sa paggawa ng metapora.Narito ang aking gawa na malaya kayong suriinĀ  o punahin:

Mata

Ang pritong itlog ay matang
Nakadilat sa iyo
Mula sa pinggan,
Ngayong umaga.
Tinititigan ka kung ano ang iyong
Pasya
Sa kaniyang tadhana.

Sino ang unang pipikit?

~ ni himantayon2 sa Hunyo 30, 2009.

Mag-iwan ng Tugon